Estudyanteng pumanaw, binigyang-parangal sa kaniyang graduation | GMA Integrated Newsfeed
Viral online ang isang graduation ceremony na ginanap sa Bulacan nitong March 27. Binigyang-parangal sa seremonya ang Grade 12 student na si Vincent Carl Soliman na pumanaw ilang araw bago ang graduation.<br /><br />Ang naulilang ina ni Vincent ang umakyat sa entablado para tanggapin ang kanyang medal at certificate.